Cabin crew na walang CAAP license ‘di pwedeng bumiyahe
MANILA, Philippines - Hindi na puwedeng sumama sa paglipad ng isang Philippine aircraft ang mga cabin crew kung hindi sila lisensiyado mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), dahil ipinatutupad na ngayon ng nasabing ahensiya ang pagkuha nito alinsunod sa alintuntunin at regulasyon ng Republic Act.9497 at Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR).
May 22 cabin crews ang kauna-unahang nabigyan ng ‘mandatory licence.’
Ang memorandum circular no.30-13 series of 2013 dated June 17, 2013 ay nilagdaan at iÂnaprobahan ni Lt. Gen.Willaim K. Hotchkiss lll AFP (Ret) CAAP Director General, na nag-uutos sa lahat ng Airline Operators na hilingin sa mga crew na kumuha ng cabin crew license sa CAAP alinsunod sa PCAR.
Ang kautusan ng CAAP ay para sa mga requirements upang maisÂyuhan, renewal o re-issue para sa mga cabin crew member license.
Kailangan kumuha ang lahat ng crew members na nakatapos sa isinagawang annual recurrent courses mula January hanggang June 2013 para sa CAAP Flight Standards Inspectorate Service (FSIS).
Tatlong taon ang itatagal ng lisensiya bago ito mapaso.
- Latest