^

Bansa

Albay may kuryente na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naikabit na uli ang Albay Electric Cooperative (Aleco) sa Luzon power grid at nagka-ilaw na muli ang Albay pagkatapos ng mahigit na 24-oras na blackout sa pakikipag-ugnayan na rin ni Albay Gov. Joey Salceda. Pero sa kabila nito ay hindi pa tapos ang krisis ng lalawigan.

Pinaputulan ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) at ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Aleco noong Martes dahil P48 milyon lamang ang binayaran sa P67 mil­yon isang buwang konsumo nitong kuryente. Dapat bayaran pa nito ang natitirang P19 milyon at kung hindi, ito’y puputulan uli.

Tinulungan ang Aleco ni Gov. Salceda na nakiusap kay Energy Secretary Jericho Petilla para mabalik muna ang kuryente at higit diumanong mabuti ang nakuha niyang kundisyon dahil ang P1-bilyong utang ng koope­ratiba sa PEMC ay maaari nang bayaran sa loob ng 10 taon.

Ang P3-bilyong utang naman ng Aleco sa PSALM (Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation), na ipinasa lamang ng Napocor (National Power Corporation) sa kooperatiba ay babayaran sa mahabang termino. Ipinanukala niyang putulan na rin ng kooperatiba ang mga 100 mga negosyong gumagamit ng kuryente ngunit hindi nagbabayad.

Nilinaw din ni Salceda na hindi ang Albay provincial government ang nagpapatakbo at may-ari ng Aleco, gaya ng akala ng ilan.

 

vuukle comment

ALBAY

ALBAY ELECTRIC COOPERATIVE

ALBAY GOV

ALECO

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

JOEY SALCEDA

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NATIONAL POWER CORPORATION

PHILIPPINE ELECTRICITY MARKET CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with