^

Bansa

ID system muling binuhay

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang katiwalian sa gobyerno at maitaas ang produksyon ng mga Pilipino kayat muling binubuhay sa Kamara ang National Identification (ID) system sa bansa.

Sa inihaing House Bill 11 o ang Filipino Identification Card ni Albay Rep. Al Francis Bichara, sinabi nitong magsisilbi itong official identification ng mga Pilipino na naninirahan sa loob at labas ng bansa at magagamit sa public at private transactions.

Titiyakin din ng panukala na gagamitan nang tamper-proof security material ang ID upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng cardhol­ders mula sa mapagsamantalang indibidwal.

Nakasaad din dito na upang mawala ang mga pangambang pang-aabuso o magagamit ang nasabing ID upang labagin ang karapatan ng bawat indibidwal ay sisi­guruhin ng panukala na ang anu­mang impormasyon sa ilalim ng system ay hindi makukuha ng third party o ikatlong partido.

Kinukunsidera namang pribilehiyo ang impormasyong nakalagay sa sistema at hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang criminal proceedings laban sa may-ari ng ID.

Nakapaloob pa sa panukala na magkakaroon ng 10 taong validity period ang ID na maaaring i-renew pagkatapos. May kapasidad ito na mailagay ang biometric data ng individual cardholder.  

Gagawin namang lib­re ang aplikasyon at pag-isyu ng Filipino ID subalit may bayad na ito sa susunod na renewal.

AL FRANCIS BICHARA

ALBAY REP

FILIPINO IDENTIFICATION CARD

GAGAWIN

HOUSE BILL

KAMARA

KINUKUNSIDERA

NATIONAL IDENTIFICATION

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with