Navy warship nag-test fire sa Zambales
MANILA, Philippines - Nagpakitang gilas kahapon ang warship ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar matapos itong magsagawa ng ‘test fire’ sa karagatan ng Zambales malapit sa Scarborough Shoal na pinag-aagawan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Navy Spokesman Lt. Commander Gregory Gerald Fabic, limang rounds ng 76 MM Otomera ang pinakawalan ng BRP Gregorio del Pilar sa karagatan ng Zambales sa labas lamang ng karagatan ng Olongapo City.
Ipinaliwanag naman ni Fabic na ang nasabing ‘test fire’ ay bahagi lamang ng regular na pagsusuri sa kakayahan ng mga armas pandigma ng mga crew ng BRP Gregorio del Pilar.
Sinabi nito na gumamit ang BRP del Pilar ng ‘killer tomato’ na mistulang mga lobo na tulad ng laki at hugis ng kamatis na kayang tumarget ng hanggang apat na kilometro mula sa barko.
Limang rounds lamang ang ginamit kung saan ang average na nagagamit sa test firing ay 30 rounds.
“It’s safe, for it not to inflict damage to any other fishing vessel,†ayon sa opisyal.
- Latest