Sotto nabiktima sa ‘pork’ scam
MANILA, Philippines - Biktima ng maling publisidad!
Ito ang depensa ng pamahalaang-lokal ng Tanay, Rizal kay Senador Vicente “Tito†Soto kaugnay ng isang lumabas na ulat patungkol sa kuwestiyoÂnableng alokasyon ng kanyang priority development assistance fund (PDAF).
“Pare-pareho kaming biktima rito. Lalo na po si Senator Sotto na gusto lang tumulong sa amin,†ani Dr. Gabriel Pigling, municipal administrator ng Tanay.
Nilinaw din sa sulat na ipinalabas ng mga alkalde ng Teresa at Tanay na nagsasabing sila mismo ang nanghihingi ng tulong pinansiyal para sugpuin ang problema sa dengue sa kanilang bayan mula noong 2011 hanggang 2012.
Humingi rin ng paumanhin si Tanay Mayor Rafael Tanjuatco kay Sotto dahil sa maling ulat.
Nabatid na Nobyembre 22, 2011 nang sulatan ni Teresa Mayor Rodel dela Cruz si Sotto para humiling ng gamot, pro-biotics at bitamina bilang panlaban sa kumakalat na kaso ng dengue sa kanilang bayan.
Sinabi sa maling ulat na mismong si Sotto ang nagbigay ng kanyang P1.5 million na bahagi ng kanyang PDAF sa munisipalidad ng Teresa para pambili sa ‘garbage deodorizer’ kahit na walang kahilingan ang local na pamahalaan. Pinatunayan ng sulat ni dela Cruz ang maling report, sabi ni Sotto.
Ang ikalawang ‘request letter’ naman na natanggap ng tanggapan ni Sotto ay pirmado noong Pebrero 14, 2012 ni Tanjuatco. Humihiling sila ng P5 million para pa rin sa pagsugpo sa problema ng dengue.
Mali na naman aniya ang report, sabi pa ng senador.
Inamin ni Tanjuatco sa kanyang sulat na humiling ng tulong na pinansiyal ang Tanay sa tanggapan ni Sotto para sa kampanÂya laban sa dengue pero, nang masabihan sila na naipalabas na ang pondo noong Hulyo 12, 2012, ibinalita naman sa kanila ng municipal health office na nagbago na ang sitwasyon sa dengue sa kanilang lugar kaya hindi na kailaÂngan ang mga anti-dengue measure lalo na ang mga probiotic.
- Latest