P2B flood control ng Albay, pinasimulan
MANILA, Philippines - Pinasimulan na ang P2-bilyon flood control project ng Albay na lalo pang pasusulungin ang bisa ng disaster risk reduction (DRR) program nito.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sa pamamagitan ng proyekto, maliligtas na sa baha ang mga pamayanan ng lalawigan, kasama na ang Legazpi City na siyang regional center ng Bicol at magiging huwaran ito ng kampanya laban sa mga kalamidad.
Inindorso ng gubernador ang proyekto bilang chairman ng Bicol Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) at inaprubahan naman ito ni Pangulong Noynoy Aquino nang dumalaw ito sa Albay noong 2010.
Ang proyekto ay moÂdernong flood control facility na may kasamang malalaking pumping stations sa paligid ng lungsod para ibuga ang tubig baha patungo sa Albay Gulf ay maging ligtas ang mga lugar ng komersyo, industriya ang mga pamahayan dito.
Pinasimulan na ng Department of Public Works and Highways ang proyekto matapos magpalabas ng paunang P800 milyon ang Department of Budget and Management.
Dahil sa mabisang mga DRR programs ni Salceda, madali siyang nakakalap ng pondo mula sa mga dayuhan at lokal na funding insÂtitutions para sa mga DRR support projects nila kasama na ang flood control, flood early warning systems at mga silid-aralan na nagsisilbi ring evacuation centers kung may kalamidad.
- Latest