^

Bansa

Pagpapakulong ng BI, kinuwestiyon misis ng mga foreign investors umapela kay PNoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela ang tatlo sa halos 100 asawa ng mga dayuhan sa bansa sa pamahalaang Aquino na imbestigahan ang umano’y katiwalian sa  Bureau of Immigration kung saan iligal na kinukulong ang kanilang mga asawa na nagnenegosyo sa Pilipinas.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni  Atty. Deborah Daquis na nagtataka lamang  sila kung bakit ginawa umano ng BI ang pagpapakulong sa mga dayuhan ng walang sapat na kaso.

Ayon kay Daquis, hindi naibibigay ang karapatan ng bawat dayuhan sa kanyang pananatili sa bansa bunsod lamang ng isang electronic letter kung saan nakasaad umano na may kaso ang isang dayuhan.

Aniya, maaari naman umanong isailalim sa summary deportation ang isang dayuhan kung ito ay fugitive o may kaso.

Sa kaso umano ng isa sa kanyang kliyenteng si Nikolaos Spanoudis na isang Greek, sinabi ni Daquis na siyam na buwan na itong nakakulong ng walang kaso. Si Spanoudis ay may negosyong call center sa bansa at may empleyado na umaabot sa 400.

Paliwanag ni Daquis na ang mission order ay hindi isang arrest warrant na ginawa ng mga tauhan ng BI kay Spanoudis at sa iba pang mga dayuhan na nakakulong ngayon sa Camp Bicutan sa Taguig.

Nabatid pa kay Daquis na kung  overstaying ang mga dayuhan maaari naman itong pagpaliwanagin o pagmultahin pero hindi maaaring ikulong kung saan walang due pro­cess.

Giit naman ni Jerlene Payot, kasintahan ni  Spanoudis, ilan sa mga tauhan ng BI ang nakipagnegosasyon sa kanila at nanghi­hingi umano ng P2 milyon na itinaas sa P4 na  mil­yon hanggang sa u­mabot sa P9 milyon.

Nagtataka lamang sila kung bakit hindi makalabas ang kanyang kasintahan samantalang wala namang kasong isinampa laban dito.

 

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP BICUTAN

DAQUIS

DAYUHAN

DEBORAH DAQUIS

JERLENE PAYOT

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with