Mga babaeng geologist iniharap sa forum ng Diwata
MANILA, Philippines - Isang panel ng mga babaeng geologist at mining engineer ang iniharap sa isang forum ng Diwata-Women in Resource Development Inc. (Diwata) sa pakikipagtulungan ng Bulong-Pulungan sa Sofitel.
Ito ay kaugnay ng unang anibersaryo ng Diwata na naitatag sa pagsisikap ni Ambassador Delia Domingo Albert na dating special envoy for mining.
Ang mga nagsalitang babaeng geologist at mining engineer na nagpursige sa napili nilang larangan ay naniniwalang maaaÂring makipagkumpetensiya ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga likas na yaman nito.
Kinilala ni Albert ang mahalagang ambag ng mga babaeng sangkot sa pagpapatupad ng Minerals Action Plan at sa patuloy nilang pagbibigay ng positibong plataporma sa pagtaÂtaguyod ng responsableng pagpapaunlad ng likas na yaman ng Pilipinas sa larangan ng mining, oil and gas, at quarrying, at iba pang mineral resources mula sa daigdig sa gitna ng patuloy na mga hamon sa Mining Act of 1995.
Itinataguyod ng Diwata ang proteksyon ng mga lupain at pamaÂyanan lalo na ng mga katutubong mamamaÂyan at kababaihan lalo na sa pagtutok sa kanilang kabuhayan, kalusugan, edukasyon at kultura.
Sa gitna ng mainit na debate sa mga benepisyo sa pagmimina, ang tutok ay nasa kinikita ng gobyerno lalo na sa pagkolekta ng buwis sa mga mining companies.
Gayunman, tulad ng tinuran sa isang pag-aaral ni Dr. Bernardo M. Villegas ng Center for Research and Communications (CRC) at University of the Asia and the Pacific.
“Meron pang iba sa pagmimina bukod sa kita sa buwis at sa export.â€
Idiniin sa pag-aaral ng CRC na ang mining ay nakakabuti sa lahat tulad ng pagbibigay ng trabaho, pag-aalaga sa small and medium scale industries at iba pa.
Higit pa sa mga estadistika at pag-aaral, ipinakita sa mga karanasang ibinahagi ng panel ng Diwata hindi lang ang kontribusyon ng kanilang trabaho sa bansa kundi pati na ang pagtulong nila sa mga komunidad at pagpapabuti ng mga buhay.
- Latest