Hamon ng Solon: Padrino pangalanan!
MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Iloilo Rep. Neil Tupas si Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner Jose Lorenzo Tañada na pangalanan ang mga sinasabi nitong mambabatas na nagpapadrino sa BOC.
Giit ni Tupas, unfair sa kongreso ang sinasabi ni Tañada dahil mayroong 282 na mga kongresista at 24 senators.
Sakaling ito umano ang dahilan ng pagbibitiw ni Tañada lalo pa sa isang ahensiya na napaka sensiÂtibo dapat pangalanan nito ang mga kongresistang sinasabing tumatawag at may nilalakad o humihingi ng pabor sa BOC.
Ito ay upang malaman naman ang panig ng mga kongresista at para mabatid kung anong klaseng tawag ang ginawa ng mga ito.
Para sa interest na rin umano ng publiko dapat itong ihayag ni Tañada dahil pag sinabi umanong kongreso ay isa itong buong institusyon na dawit sa kontrobersiya.
Kapag napangalanan na umano ito ni Tañada ay saka dapat itong imbestigahan lalo pa’t ang proÂÂgÂrama ng pangulong Noynoy Aquino ay sumisentro sa paglaban sa graft and corruption.
Una dito ay ibinunyag ni Tañada na ang mga tinutukoy niyang mga ‘powerful forces’ ay senador at congressman.
Kamakalawa ay nagbitiw si Danny Lim bilang Customs Deputy for Intelligence matapos na aminin na hindi niya kaya ang “powerful forces†na nakakaÂapekto upang malinis ang ahensiya mula sa smugÂgling.
- Latest