Drilon Senate Prexy
MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan nahalal bilang bagong lider ng Senado o Senate President ang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III na si Senator Franklin Drilon na nakakuha ng 17 boto.
Sina Sens. Grace Poe at Juan Edgardo Angara ang nagnomina kay Drilon samantalang si Sen. Nancy Binay naman ang nagnomina kay Sen. Juan Ponce Enrile sa ginawang botohan kasabay ng pagbubukas ng unang sesyon ng 16th Congress.
Kapuna-puna na pormalidad na lamang ang nangyaring botohan kahapon dahil maging ang kopya ng speech ni Drilon ay nakahanda na at ipinamahagi na kaagad sa media.
Isa si Enrile sa 17 senador na bomoto kay Drilon samantalang anim na senador ang bomoto kay Enrile na tatayo bilang bagong Minority Leader.
Ginawa ang paghalal kay Drilon matapos paÂnumpain ang mga bagong nanalong senador noong nakaraang eleksiyon na kinabibilangan nina Poe, Angara, Binay, Bam Aquino, Joseph Victor “JV†Ejercito, at Cynthia VIlar.
Si Sen. Ralph Recto na isa ring miyembro ng Liberal Party ang nanalong Senate President Pro-Tempore, samantalang si Senator Alan Peter Cayetano ang nahalal na bagong Majority Leader.
Sa talumpati ni Drilon sinabi nito na ang kailangan ngayon ay isang Senado na nakikinig at tumutugon sa pulso ng mga mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at maralita.
- Latest