^

Bansa

Manggagawa ‘di happy sa wage hike announcement sa Aug. 8

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi masaya ang grupo ng mga manggagawa laluna ang militanteng grupong  Kilusang Mayo Uno (KMU) sa pahayag ng Metro Manila wage board na aaprubahan na nila ang taas sa sahod sa Agosto 8 ng taong ito.

Ito, ayon sa naturang grupo ay dahil hindi sila naniniwala na ang regional wage boards (RWBs) ng bansa ay tutupad sa pangakong ito bagkus ay maaaring makalimutan lamang.

Sa pahayag ni Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson, ginagamit lamang ng pamahalaan ang mga pangako na wage increase upang makondisyon at maibsan ang tinding hirap ng mamamayan sa epekto ng pagtaas ng mga bilihin tulad ng petrolyo, bigas, tinapay at mga bayarin gaya ng SSS premiums, singil sa tubig at kuryente.

Anya, nais nila ang makabuluhang umento tulad ng P125 across-the-board wage hike nationwide para kahit paano ay maiibsan nito ang problema sa kahirapan ng maraming mamamayan.

AGOSTO

ANYA

KILUSANG MAYO UNO

LABOG

METRO MANILA

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with