Hatian ng komite sa Senado plantsado na
MANILA, Philippines - Tapos na ang first round sa pagpili ng chairman ng ilang komite kung saan napunta kay SeÂnator Cynthia Villar ang Senate Committee on Agriculture and Food.
Nabatid kay Sen. Villar na muling pamumunuan ni Sen. Pia Cayetano ang committee on Health and Demography at si Sen. Antonio Trillanes ang hahawak sa committee on National Defense and Security.
Si Sen. Bongbong Marcos naman umano ang hahawak sa Local Government.
Aminado naman si Sen. Franklin Drilon na sa ngayon ay wala pa ring nagpapahayag na interes na maging Senate President.
“I confirm that no one has expressed interest in the Senate Presidency post from among my colleagues. Nevertheless, I will wait until July 22 before making any formal announcement on the Senate Presidency,†sabi ni Drilon.
Inihayag din ni Villar na nakalaan na kay Sen. Alan Peter Cayetano ang posisyon ng Majority Floor Leader na dating hawak ni Sen. Tito Sotto.
Nauna ng napaulat na si Sen. Ralph Recto ang susunod na Senate President Pro-Tempore.
- Latest