^

Bansa

Batas vs age discrimination isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong ni Senator Pia Cayetano ang panukalang batas na nag­lalayong matanggal ang diskriminasyon sa edad tuwing mag-aaplay ng trabaho.

Sa Senate Bill 29, sinabi ni Cayetano na hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa edad kung saan nawawala ang pantay na oportunidad sa mga bagong graduates at mga mas may edad sa kanila.

Nais ni Cayetano na maparusahan ang mga employer, labor contractor o labor organization na magdi-discriminate ng mga indibiduwal dahil sa kanilang edad.

Ipinunto pa ni Ca­yetano na nakasaad sa Konstitusyon na dapat siguraduhin ng gobyerno ang quality ng employment opportunities para sa lahat ng indibiduwal.

Pinuna rin ni Caye­tano ang mga classified ads, job fairs, billboards at internet kung saan inilalagay ang edad ng mga maaari lamang mag-apply sa trabaho.

CAYETANO

EDAD

IPINUNTO

ISINULONG

KONSTITUSYON

PINUNA

SA SENATE BILL

SENATOR PIA CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with