13 lugar signal no.1 kay ‘Isang’
MANILA, Philippines - Matapos na maÂging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa silangan ng bansa at tawaging bagyong “Isang†bahagyang bumagal ito kahapon habang patuloy na gumagalaw patungo sa Isabela-Cagayan kahapon.
Alas-11 ng umaga si Isang ay namataan 280 kilometro kanluran ng Baler, Aurora taglay ang hangin na 45 kilometro kada oras mula sa gitna at bilis na 19 kph.
Ayon kay Chris Perez, weather forecaster, may 13 lugar sa Nothern Luzon ang nakataas pa rin ang signal number 1 tulad ng Ilocos Norte; Ilocos Sur; Abra; Ifugao; Cagayan; Calayan Group of Islands; Babuyan Group of Islands; Isabela; Quirino; Aurora; Mt. ProÂvince; Kalinga at Apayao.
Si Isang ay pinaniniwalaang kikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras. Sa bilis nito, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Isang sa Huwebes patungo sa Southern China.
Bukod dito, maliit din anya ang tsansa na mag-intensify ito dahil sa maaÂring pag-landfall sa Casiguran, Aurora sa ganap na alas-6 ng hapon sa Miyerkules.
- Latest