Malapitan nireorganisa ang Caloocan Disaster Council
MANILA, Philippines - Nireorganisa ni CaloÂocan City Mayor Oca MalaÂpitan ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang mabilisang makatugon sa iba’t ibang uri ng kalamidad at maka-angkop sa mga hamon dulot ng climate change.
Matapos pangunahan nitong Martes ang kauna-unahang command conference sa Kamaynilaan na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal at nasyunal na ahensya ng gobyerno, sinabi ni Mayor Oca na napapanahon nang muling buuin ang CDRRMC upang magkaroon ang lungsod ng maayos na sistema sa oras ng emergency at mga sakuna.
“Sa kaganapang ito, mas mapapadali nating maaprubahan ang mga plano at programa tungkol sa DRRM. Gayundin ang mabisang pagmomonitor sa implementasyon ng Âating Disaster Risk Reduction and Management Plan sa layuning makasagip ng buhay at ari-arian,†wika niya.
Sa ilalim ng Executive Order No. 002, pamumunuan ni Malapitan ang grupo bilang chairman, kasama si City Administrator OliÂver Hernandez bilang vice chairman.
Miyembro naman dito ang Philippine National Police, Bureau of Fire and Protection, Philippine National Red Cross-Caloocan-Malabon-Navotas Chapter, Department of Education at Metro Manila Development Authority.
- Latest