^

Bansa

‘Mayor’, 3 bodyguard na gumulpi sa parking attendant mananagot - Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor at traffic czar  Isko Moreno na mananagot ang umano’y ‘mayor’ at tatlong bodyguards nito na walang awang bumugbog sa isang parking attendant  noong Biyernes sa Mabini St., Manila.

Ayon kay Moreno, bineberipika pa nila kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang kulay puting Starex na may plakang ZSZ-458 na lumabas ng Prestige Barbershop and Salon at  nagtulung-tulong na bugbugin si Joseph Purisima, 35.

Sinabi ni Moreno na kailangan na panagutan ng mga ito ang kanilang ginawa kay Purisima na nagtatrabaho lamang.

Nabasag at natanggal ang pustiso ni Purisima bukod pa sa mga bukol sa mukha at ulo.

Samantala, nakatakda namang ibigay ngayong umaga ni Moreno ang 150 Manila Traffic and Parking Bureau  (MTPB) personnel sa Manila Police District Traffic Sector na kaugnay ng pagmamantine ng daloy ng trapiko sa Maynila.

Magiging magkatuwang ang MTPB  at pulis sa pagtatrapiko at maiwasan ang pangongotong sa mga motorista.

ISKO MORENO

JOSEPH PURISIMA

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA VICE MAYOR

MORENO

PRESTIGE BARBERSHOP AND SALON

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with