Libreng almusal sa public schools
MANILA, Philippines - Upang mapaunlad ang academic performance ng mga mag-aaral, isinulong ang panukalang libreng almusal sa lahat ng pampublikong eskuwelahan sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 364 ay magiging bahagi ng public education system ang free breakfast program sa lahat ng public day care centers, pre-schools at elementary sa buong bansa.
Layunin ng panukala na mabigyan ng sapat na sustansya sa mga pagkain, gawing malusog ang mga kabataan at maiwasan ang malnutrisyon.
Ayon kay Cebu City Rep. Raul del Mar, ipapatupad ang libreng agahan sa lahat ng public schools sa bansa dahil ang mga nag-aaral dito ay karaniwang galing sa mahihirap na pamilya.
Nakakaapekto umano sa maayos na academic performance sa paaralan kung walang sapat na kinakain at nutrisyon na nakukuha ang mga kabataang estudyante.
Ang nasabing free breakfast program ay ideÂdesenyo at itatatag ng DepEd katuwang ang PaÂrents-Teachers Association.
- Latest