^

Bansa

PNP Chief Purisima sa gun show

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima ang pagbubukas ng 21st Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Mega Trade Hall sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Ayon kay world shooting champion Jethro Dio­nisio, na siya ring pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), naimbitahan din dumalo sa seremonya ang iba pang mataas na opisyal ng PNP bilang kanilang tradisyunal na ka­akibat sa pagsusulong ng kampanya sa responsible gun ownership.

Ang gun show ay bukas sa mga enthusiasts hanggang Hulyo 22, 2013 kung saan matatagpuan ang mga bagong armas at shooting paraphernalia.

Ayon kay Dionisio, tampok sa gun show ang libreng seminar ng mga eksperto sa armas mula sa 5Zero, Center for Pro-Shooters Association of the Philippines, na may titulong: Armed Women for Self Defense,” sa Hulyo 18, dakong 6:30 ng gabi.

Pangungunahani ni Ted Esguerra ang seminar sa “Learning from Boston Marathon & Connecticut Shooting” sa Hulyo 22, dakong 2:30 ng hapon, na tututok sa pangangalaga ng seguridad sa tahanan at personal na proteksiyon.

ARMED WOMEN

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITION DEALERS

AYON

BOSTON MARATHON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CONNECTICUT SHOOTING

HULYO

JETHRO DIO

MANDALUYONG CITY

MEGA TRADE HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with