^

Bansa

Plea Bargain Agreements higpitan - Sen. Guingona

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng panukala si Sen. TG Guingona na nagnanais na higpitan ang pagpasok ng gobyerno sa plea bargain agreements upang hindi na maulit ang nangyari sa kaso ni dating Maj. Gen. Carlos Garcia.

Sinabi ni Sen. Guingona sa kanyang Senate Bill 77 na tatawaging Plea Bargaining Act of 2013, na dapat magkaroon ng malinaw na guidelines sa pagpasok ng gobyerno sa Plea Bargain Agreements.

Ayon kay Guingona, dapat matiyak na maki­ki­nabang ang gobyerno sa mga PBA na pinapasok sa korte.

“Plea bargaining should not be exercised in a capricious, whimsical and arbitrary fashion. Instead, a plea bargaining agreement should ultimately redound to the benefit of the public,” wika pa ni Guingona.

Aniya, kuwestiyonable aniya ang PBA na pinasok ni Garcia at ni dating Ombudsman Merceditas Gu­tierrez at hindi na ito dapat maulit sa hinaharap.

Idinagdag ni Guingona na ang ipinalabas na TRO ng Supreme Court tungkol sa pagpapatupad ng kasunduan sa pagitan ng Ombudsman at ni Garcia­ ay nagpapatunay ng naging findings ng Se­nate Blue Ribbon­ Committee.

Nais ng mambabatas, na kapag nag-alok ng plea bargain ang akusado dapat busisiin ng prosekusyon at ng korte ang mga circumstances at motibasyon at ikonsidera ang kapakanan ng publiko.

 

BLUE RIBBON

CARLOS GARCIA

GARCIA

GUINGONA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GU

PLEA BARGAIN AGREEMENTS

PLEA BARGAINING ACT

SENATE BILL

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with