^

Bansa

Army Col. guilty sa Al-Barka ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Guilty ang ibinabang hatol kahapon ng AFP-General Court Martial sa isang commander ng Special Forces ng Philippine Army kaugnay ng ambush ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na ikinasawi ng 19 sundalo noong Oktubre 2011 sa Al Barka, Basilan.

Ayon kay AFP-GCM President Brig. Gen. Cirilo Torralba III, si Lt. Col. Leonard Peña, dating Commander ng 4th SF Battalion ay guilty sa kasong paglabag sa Article of War (AW) 97 conduct prejudicial to good order and military discipline.

Si Peña ang naglunsad ng pumalpak na assault operation sa Al Barka, Basilan noong Oktubre 18, 2011 na tinambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf na tinulungan pa ng umano’y grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Target ng operasyon na maaresto ang dalawang commander ng MILF na sina Dan Laksaw Asnawi at Long Malat na kaalyado ng Sayyaf.

Bilang parusa, si Peña ay pinatawan ng 2 taong pagkakasuspinde o pagkakabimbin  sa ranggo at command, reprimand at 200 na mababa sa hanay ng lineal listing ng AFP o promosyon ng mga opisyal.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL BARKA

ARTICLE OF WAR

BASILAN

CIRILO TORRALBA

DAN LAKSAW ASNAWI

GENERAL COURT MARTIAL

LEONARD PE

LONG MALAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with