80 bandido, 6 sundalo, Maguindanao clash: 86 patay
MANILA, Philippines - Nasa 86 na katao na ang nasawi, ang 80 ay mula sa panig ng mga bandido habang ang anim ay mula sa tropa ng militar sa sumiklab na bakbakan sa Maguindanao at North Cotabato kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Maj. Gen. Romeo Gapuz, Commander ng Army’s 6th Infantry Division na nasa 80 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa inilunsad na “preemptive strike opeÂrations’ ng tropa ng militar sa pinagkukutaan ng mga bandidong grupo sa Pikit, North Cotabato at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Sa panig ng gobyerno, sinabi ni Gapuz na anim ang nasawi kabilang ang isang tinyente at dalawa rin ang nasugatan.
Kinilala ang unang dalawang nasawi sa panig ng militar na sina Pfc. Jonathan Morris at Pfc. Megan Bello na kapwa nakatalaga sa Army’s 71st Infantry Batallion matapos silang tambangan ng mga miyembro ng BIFF sa Brgy. Paido Pulangi, Pikit, Cotabato noong Sabado ng hapon.
Sinabi pa ni Gapuz, nasundan ang sagupaan kinagabihan at Linggo ng umaga, sa pagitan ng tropa ng Army’s 68th Infantry Battalion at ng BIFF na ikinasawi ng apat pang sundalo na sina 1st Lt. Gerald Flores, Pfc. Jessie Painig, Pfc. Reynante Arabino at isang di natukoy ang pangalan habang 2 naman ang sugatan.
“The enemy suffered about 80 killed and scores wounded although claim nila is 18 hindi naman puwede kuhanin yun (bodies) because that is against their custom and traditionâ€, ani Gapuz kung saan nasaksihan pa umano ng kanilang mga intelligence asset na inilibing sa lugar ang mga nasawing BIFF.
Ayon sa heneral, tinatayang nasa 200 ang BIFF na namumugad sa Central Mindanao na pinamumunuan ni Commander Samsudin dahil maysakit ang founder ng grupo na si Commander Ameril Umbra Kato.
Naitala naman sa 6,000 residente ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan ng tropa ng mga sundalo at BIFF sa natuÂrang mga apektadong lugar. Nasa anim na sibilÂyan rin ang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala.
Kasabay nito, inalerto ni Gapuz ang tropa ng mga sundalo sa buong Central Mindanao upang harangin ang posibleng spillover ng paghahasik ng kaguluhan ng BIFF na tutol sa peacetalks ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang BIFF ay ang breakaway group ng MILF.
Samantala, itinanggi naman ni Abu Misry, ang tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, na nalagasan sila 80 tauhan. Aniya wala umanong nasawi sa kanilang panig at ang ulat na namatayan sila ay propaganda umano ng military. (Dagdag na ulat ni Rhoderich Beñez)
- Latest