Arch. Villegas bagong CBCP prexy
MANILA, Philippines - Nahalal na bagong pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan kung saan mauupo ito simula sa Disyembre 1, 2013.
Sa edad na 52, pamumunuan ni Villegas ang 96 na aktibo at 40 honorary members ng CBCP, katuwang ang bagong bise presidente na si Davao Archbishop Romulo Valles.
Papalitan ni Villegas si Cebu Archbishop Jose Palma na hindi na tumakbo para sa ikalawang termino.
Ang bagong CBCP president ay inordinahang pari ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin noong 1985. Naitalaga rin siyang Auxiliary Bishop of Manila.
Naging obispo ng Balanga Diocese si Villegas noong 2001 bago naging arsobispo ng Lingayen-Dagupan noong 2009.
Agad namang binati ng Malakanyang si Villegas sa pagkakahalal bilang bagong pinuno ng CBCP.
- Latest