‘All-out war’ idineklara ng DENR
MANILA, Philippines - Nagdeklara ng all-out war campaign ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa poachers ng mga wildlife species partikular na sa mga hayop na unti-unti ng nauubos.
Ito’y makaraang makakumpiska ang ahensiya ng maraming bilang ng mga protected animals sa isinagawang raid sa isang bahay sa Tondo, Maynila noong Miyerkoles.
Sa naturang raid, nakakumpiska ang grupo ni DENR Undersecretary at Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade (POGI) head Ernesto Adobo Jr. ng 78 Palawan hill mynas, 12 blue-naped parrots at 5 juvenile Indo-Pacific o saltwater crocodiles na pawang namatay na at tanging 14 Philippine forest at pond turtles ang nakuhang buhay ng natuÂrang grupo.
Kaugnay nito, inatasan ni DENR Secretary Ramon Paje ang bagong binuong grupo na POGI na magsampa ng kasong criminal sa may-ari ng mga nakumpiskang hayop gayundin ang mga kasamahan nito sa operasyon.
Una rito, kinondena ni Paje ang ginawang pagpatay sa mga hayop na anya’y hindi papayagan ng gobyerno.
- Latest

















