1,093 House bills inihain
MANILA, Philippines - Apat na araw matapos magsimulang tumanggap ng mga panukalang batas ang Kamara, umaabot na sa mahigit isang libong House Bills ang inihain para sa 16th Congress
Sa datos ng House of Representatives Plenary Affairs Bureau, hanggang alas-10 kahapon ng umaga ay nasa 1,093 ang naihaing House Bills at 31 naman ang House ReÂsolutions.
Noong Lunes, unang araw ng pagbubukas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nasa 826 panukalang batas at 25 House resolutions ang naihain.
Ang mga ito ay ita-transmit naman ng tanggapan ni House Secretary General Atty. Marilyn Yap sa Committee on Rules para sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 22.
Para naman kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., magandang indikasyon ang pagiging masigasig ng kaniyang mga kapwa mambabatas para sa pagpasok ng 16th Congress.
Ilan sa mga panukala na inihain ay ang National Defense at Security Bill, People’s Freedom of Information Bill, Centenarian, Magna Carta for the Poor, Anti-Divorce at marami pang iba.
- Latest