P374M sa informal settlers inilabas
MANILA, Philippines - Ipinalabas na ng MalaÂcañang ang P374.4 milÂyon para sa resettlement program ng mga informal settlers na nakatira sa 8 major waterways sa Metro Manila.
Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, ipapamahagi ang P18,000 sa bawat 19,440 pamilya na nakatakdang paalisin sa mga estero upang magamit nilang pang-upa habang ginagawa pa ang kanilang lillipatan na housing project.
Sakop nito ang mga nakatira sa San Juan River, Manggahan Floodway at Estero de Tripa de Gallina. Gayundin sa Pasig River, Tullahan River, Maricaban Creek, Estero de Sunog Apog at Estero de Maypajo.
- Latest