^

Bansa

Pag-upo ng Quezon Rep. pinigil ng Comelec

Butch Quejada/Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinigil ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-upo ni Quezon Rep. Angelina Tan matapos na kanselahin ng provincial board of canvassers ang kanyang proklamasyon.

Batay sa resolusyon ng Comelec 2nd Division, naglabas na ng desisyon ang komisyon sa kasong inihain ni Wigberto Tañada kung saan ito ang sinasabing totoong nanalo sa halalan.

Nakasaad sa resolution na, “Wherefore, premises considered the instant petition is hereby GRANTED. The proclamation of Angelina D. Tan as member of the House of Representatives for the Fourth District of the Pro­vince of Quezon is hereby annulled.”

Inatasan din ng Come­lec ang provincial board of canvassers na mag-reconvene upang agad na maipatupad ang mga kinakailangang corrections sa Certificate of Canvassing and Proclamation na kinabibilangan ng pagbibigay ng botong 7,038 ni Alvin John Tañada, Jr. kay Wigberto Tanada, Jr.; ang re-compute ng mga boto para kay Wigberto Tañada at ang  pagproklama kay Tañada bilang karapat-dapat na nanalo.

Nabatid na dinisku­walipika ng Comelec si Alvin Tañada dahil na rin sa kakulangan ng residency sa kanyang distrito bago ang May elections. Dahil dito, lumamang si Tañada kay Tan ng  ilang libo.

 Si Tañada ay anak ni dating senador Wigberto Tañada at kapatid ni  da­ting Quezon Rep. Erin Tañada.

ADA

ALVIN JOHN TA

ALVIN TA

ANGELINA D

COMELEC

PLUSMN

QUEZON REP

WIGBERTO TA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with