^

Bansa

Signal no.1 sa 13 lalawigan kay ‘Gorio’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ganap nang naging bagyo kahapon ang isang sama ng panahon na tatawaging Gorio na patuloy na nagbabanta sa Eastern Visayas. Alas-5 ng hapon kahapon, si Gorio ay namataan ng Pag Asa sa 290 kilometro silangan ng  Surigao City taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro at kumikilos sa bilis na 19 kilometro bawat oras. Bunsod nito, nakataas ang signal number 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Ca­tanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, Masbate at Polilio Island sa Luzon gayundin sa Samar Pro­vinces, Leyte Provinces, Biliran Island sa Visayas, at Dinagat at Siargao Island sa Mindanao. Pinag-iibayo ng bagyo ang habagat kaya patuloy ang malakas na pag-uulan sa buong Visayas at Mindanao. May mga pag-uulan naman sa hapon at gabi sa Metro Manila dulot ng habagat.

BILIRAN ISLAND

BURIAS ISLAND

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

EASTERN VISAYAS

GORIO

LEYTE PROVINCES

METRO MANILA

MINDANAO

PAG ASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with