^

Bansa

2 kaanak ng bibitaying Pinay pupunta sa China

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang tumulak ngayong weekend patu­ngong China ang dalawang miyembro ng pamilya ng bibita­ying Pinay na nahulihan ng may 6 kilong heroin habang papasok sa nasabing bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inaasikaso na ng DFA ang pagtungo ng dalawang miyembro ng pamilya ng 35-anyos na Pinay sa Hangzhou, China upang makausap ang kanilang kaanak sa huling pagkakataon.

Personal ding aapela ang pamilya sa Chinese go­vernment na huwag ituloy ang pagbitay at mapababaan ang kanyang sentensya.

Pinagtibay ng China’s Peoples Court ang parusang bitay laban sa Pinay matapos ang ibinabang desisyon ng lower court ng China at itinakda ang eksekusyon sa pagitan ng Hunyo 27 hanggang Hulyo 2, 2013.

Sinabi ni Hernandez na sa kasalukuyan, wala pang sagot ang Chinese government sa apela ni Pangulong Aquino na mabigyan ng commutation of sentence ang naturang Pinay.

Inamin kamakalawa ng DFA na tila “suntok sa buwan” o malabong magkaroon ng positibong aksyon ang China sa apela ng pamahalaan upang masagip sa bitay ang naturang Pinay tulad ng mga ginawang pagbitay sa apat na OFWs na umano’y mga drug mules.

AYON

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HANGZHOU

HERNANDEZ

HULYO

HUNYO

PANGULONG AQUINO

PEOPLES COURT

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with