^

Bansa

Danyos sa Tubbataha ‘di pa bayad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala umanong sinseridad sa pakikipag-usap ang gobyerno ng Estados Unidos sa pa­ ngakong magbabayad ng danyos sa Tubbataha Management makaraang mapinsala ito sa pagsadsad ng kanilang US warship may limang buwan na ang nakalipas.

Ayon kay Angelique Songco, hepe ng Tubbataha Management Office, mahigit 5 buwan na umano ang nakaraan nang sumadsad sa Tubbataha Reef ang US Warship at halos tatlong buwan makaraang ito ay maialis sa bahura ay hindi pa rin nagbabayad ng kaukulang multa ang gobyerno ng Amerika.

Nasa 1.4 milyong dol­yar na katumbas ng P58 mil­yon ang halaga ng multa na kailangang bayaran ng Amerika para sa mahi­git dalawang libong metri­ko kwadrado ng coral reef na nasira dahil sa pagsad­sad ng USS Guardian.

Dahil dito, tahasang inakusahan ni Songco  ang gobyerno ng Amerika ng “double talk” o hindi pagiging sinsero kaugnay ng pananagutan nito sa insidente.

Naghihinakit si Songco dahil hindi raw makatwiran na ang Pilipinas pa ang pahirapan ng Ame­ rika sa pagkuha ng ka­ba­yaran para sa multa gayong sila ang nakaperwisyo at nakapinsala sa ating likas yaman.

Para kay Songco, hindi patas para sa Pilipinas na sumailalim pa sa mabusising claims process na tinututukan ngayon ng Department of Foreign Affairs dahil tayo umano ang nasa posisyon para magdemand ng kaba­yaran.

Sinabi rin ni Songco na kung makapagbaba­yad na ang Amerika, ma­laki sana ang maitutulong nito hindi lamang sa recovery ng mga nasirang coral reefs kundi sa pagmamantina ng kabuuan ng Tubbataha Reef.

AMERIKA

ANGELIQUE SONGCO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

PILIPINAS

SHY

SONGCO

TUBBATAHA MANAGEMENT

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with