Dami pang solon nagpa-stem cell
MANILA, Philippines - Marami pa umanong mga kongresista ang sumailalim sa stem cell theÂrapy sa Germany bukod sa namayapang sina Bohol Rep. Erico Aumentado at Camiguin Rep. Pedro Romualdo.
Kinumpirma rin ni outgoing Agham partylist Rep. Angelo Palmones, chairman ng House Committee on Science and TechnoÂlogy, na mayroon pang isang grupo ng mga mayor mula sa Mindanao ang nakatakdang magtungo sa Europe para bumisita sa isang stem cell clinic sa Germany.
Ang dahilan umano ng mga pulitiko para sa kanilang biyahe ay virility at enhancements.
Aminado naman si Palmones na ang isang beteranong mambabatas na namatay noong 15th Congress ay sumailalim sa stem cell therapy subalit pinagtatalunan pa umano kung ito ang naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Kabilang sa mga namatay noong 15th Congress sina Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, 62, noong Enero 26, 2012 sa London dahil sa liver cancer habang si Aumentado, 72, ay inatake sa puso mismong araw ng kapaskuhan.
Si Romualdo naman ay nasawi habang nasa kasagsagan ng kampanya noong April 24 dahil din sa cancer sa edad na 77.
Kabilang pa sa mga namatay na kongresista noong 15th Congress sina Rep. Antonio Diaz,83 dahil sa kumplikasyon sa sakit na diabetes noong Agosto 2, 2011 habang si Cagayan Rep. Florencio Vargas, 79, ay nasawi dahil sa leukemia matapos manalo sa 2010 elections.
Subalit ayon sa Philippine Medical Association (PMA), wala pa silang pruweba kung sino sa mga nasabing mambabatas ang sumailalim sa stem cell therapy.
Pinabulaanan din ng anak ni Aumentado na si incoming Rep. Aris Aumentado na namatay ang kanyang ama dahil sa stem cell therapy kundi sa pneumonia.
Bagamat inamin na sumailalim sa naturang procedure ang ama noong September 2012 ay nakatulong pa umano ito para makalakad ang kanyang ama kahit walang tungkod.
- Latest