Dengue website inilunsad ng DOST
MANILA, Philippines - Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang “website†na magbibigay ng impormasyon sa populasyon ng lamok sa bawat komunidad upang makatulong sa pagsugpo sa nakamamatay na sakit na dengue.
Sa ulat na inilabas ng Department of Health-National Epidemiology Center, nakapagtala na ng 42,207 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo 8 ngayong taong 2013.
Nangunguna sa mga hot spot na rehiyon ang Central Visayas na nakapagtala ng 6,023 kaso habang ang Metro Manila ay may 3,073. Nasa 193 sa mga kasong ito ay nasawi ang mga pasyente.
Tinawag ang website na “Dengue Vector Surveillance website†na mapupuntahan sa pag-click sa : http://oltrap.pchrd.dost.gov.ph.
Nakapaloob rito ang mga impormasyon ukol sa “Aedes aegypti mosquitoâ€, na nagdadala ng sakit na dengue, impormasyon sa populasyon ng lamok sa mga komunidad na maaaring makatulong sa mga health workers sa pagpuksa sa mga ito.
Nabatid na namomonitor ang populasyon ng mga lamok sa pamamagitan ng OL Traps sa mga paaralan. Iniinspeksyon ang mga OL Traps kada linggo at iniuulat sa DOST na nag-a-update sa kanilang mga datos.
- Latest