^

Bansa

Taas pasahe sa LRT, MRT tinututulan: DOTC nilusob ng mga commuters

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilusob kahapon ng mga commuters at nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Transportation ang Communication (DOTC) sa Ortigas sa Pasig City na tumututol sa planong pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa Agosto at sa susunod na taon.

Mariing kinondena ng mga miyembro ng Riles Laan sa Sambayanan (RILES) Network ang anunsiyo ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya hinggil sa implementasyon ng P10 fare hike increase sa LRT at MRT.

Upang ipakita ang epekto ng fare hike sa riding public, nagpakita rin ang mga nagpuprotesta ng mala­king tren na papel na sumasagasa sa mga ordinaryong mamamayan.

Ayon kay Sammy Malunes, governor at tagapagsalita ng Riles Network, isang malaking pahirap sa riding public ang taas-pasahe sa LRT at MRT.

Naniniwala rin si Malunes na layunin lamang nito na hikayatin ang malalaking negosyo na i-bid ang privatization ng train system sa bansa.

Iginiit pa ni Malunes na may karapatan ang mga Pinoy sa abot-kaya, episyente at ligtas na mass transport system, at tungkulin ng pamahalaan na i-subsidize ang naturang transport system.

Hinimok rin ng grupo ang pamahalaang Aquino na i-renegotiate ang kontrata sa pribadong sektor kaugnay sa MRT at LRT na may obdyektibong bawasan ang subsidy na napupunta sa business profits at dagdagan ang subsidy para sa improvement ng mga tren.

Nabatid na ang P10 average increase para sa LRT Lines 1 at 2 at MRT ay isasagawa sa dalawang equal stages hanggang 2014, kung saan ang P5 increase ay ipapatupad ngayong Agosto 2013 at ang ikalawang P5 increase naman ay sa susunod na taon.

AGOSTO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

LIGHT RAIL TRANSIT

MALUNES

METRO RAIL TRANSIT

PASIG CITY

RILES LAAN

RILES NETWORK

SAMMY MALUNES

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with