Taas pasahe sa LRT, MRT kinontra
MANILA, Philippines - Tinututulan ng mga asosasyon ng mga drayber na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON ang plano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na itaas ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ng P5 simula sa Agosto at isa pang dagdag na P5 pagtaas pagsapit ng taong 2014.
Ayon kay Piston National President George San Mateo, ang nasabing plano ay isa na namang dagdag-pahirap sa maraÂming pamilya ng mga drayber at sa mamamayan lalo ngayong bugbog na ang taumbayan sa sunud-sunod na pagtaas sa presÂyo ng langis, matrikula, kuryente na sasabayan pa ng nakaambang malaking pagtaas sa bayarin sa tubig sa Agosto.
Dagdag ni San Mateo, hindi dapat pahintulutan ni Pangulong Aquino na ipatupad ang pagtaas sa pasahe sa MRT at LRT dahil ito lamang anya ang tanging paraan para makatipid sa gastusin ang maraming mahihirap na pamilya manggagawa.
Hindi rin kumbinsido si San Mateo sa pahayag ni DOTC Secretary Jun Abaya na ang pagtataas ng pasahe ay para mabawasan ang subsidiya ng pamahalaan para magamit sa serbisyong panlipunan, gayong ang taga Metro Manila lamang anya ang nakikinabang dito.
Giit nito, ang tunay na dahilan ng pagtataas ng pamahalaan sa pasahe ay upang ipambayad utang sa mga pinagkakautangang malaking lokal at dayuhang kapitalista.
Nanawagan din si San Mateo sa pamahalaan na huwag ituloy ang pagtataas ng pasahe sa MRT at LRT gayundin ang pagsasapriÂbado nito.
Nagbanta rin ng tuluy-tuloy na isasagawang pagÂlahok ng Piston sa kilos-protesta upang tuligsain at tutulan ang nasabing fare hike.
- Latest