Hinaing ng MWSS employees suportado
MANILA, Philippines - Suportado ng ConfeÂderation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ang panawagan ng mga empleyado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na suspindihin si MWSS administrator Gerardo Esquivel habang dinidinig ang kaso nitong graft sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Courage president Ferdinand Gaite, ang akusasyon kina Esquivel at MWSS board of trustees chairman Ramon Alikpala Jr. na umano’y illegal na pagkuha ng 40 consultants ay hindi tumatalima sa “Tuwid na Daan†ni Pangulong Aquino.
Kinasuhan sa Ombudsman nina MWSS labor association president Napoleon Quinones at MWSS senior corporate lawyer Jeff Codamon si Esquivel dahil sa umano’y illegal na pagkuha nito ng 40 consultans sa kabila ng moratorium on hiring ng Aquino administration.
Kabilang ang MWSS sa pinag-initan ni PaÂngulong Aquino sa unang SONA nito noong 2010 dahil sa malalaking suweldo at perks ng mga opisyal sa nakaraang administrasyon.
Nadismaya ang mga empleyado ng MWSS matapos alisin ang kanilang mga benepisyo habang kumuha raw si Esquivel ng mga consultants bukod sa 162 job orders sa kabila ng moratorium sa pagkuha ng additional personnel.
- Latest