Opisyal sa ‘sex for fly’ lumantad!
MANILA, Philippines - Humarap kahapon sa Overseas Workers WelÂfare Administration (OWWA) office si dating acting Labor Attache to Jordan Mario Antonio na inakusahan na sangkot sa “sex for fly†para pabulaanan na sangkot siya sa pambubugaw at pagbebenta sa mga nagigipit na OFWs sa Jordan.
Si Antonio ay isa sa tatlong opisyal ng PhilipÂpine Overseas Labor Office (POLO) at Embahada ng Pilipinas sa Jordan, Kuwait at Syria na idinaÂdawit sa “sex for fly†o “sex-for-hire†sa mga naÂgiÂgipit na Pinay na tumakas sa kani-kanilang amo.
Sinabi ni Antonio na ginampanan niya ang kanyang tungkulin bilang acting labor attache sa POLO sa Jordan. NagÂlingkod umano siya ng tapat sa loob ng 30 taon sa limang Phl post sa iba’t ibang bansa.
Ipinaliwanag pa ni Antonio na sa Jordan, may humigit kumulang sa 28,000 Pinoy at 90 porÂÂ syento umano dito ay household service woÂrÂÂkers (HSWs) na karamihan ay hindi dumaan sa tamang proseso sa PhilipÂpine OverÂseas Employment AdÂministration (POEA) na maaari umanong ituring na trafficker o illegally recruited persons. Sa kabila umano nito, binibigyan pa rin sila ng kaukulang protective custody sa POLO shelter sa panahon ng kaÂnilang pangangailangan.
May mga patakaran daw siyang mahigpit na ipi natutupad para sa proÂteksyon ng mga distressed workers, na posibleng isa rin umano sa mga tinitingnan niyang dahilan upang idawit siya sa kontrobersya ng kanyang mga nasagasaan.
Bukod kay Antonio, isang opisyal ng EmbaÂhada sa Damascus at isang welfare officer sa POLO Kuwait ang isiÂnaÂsailalim na sa imbesÂtigasyon kasunod ng kaÂutusan ng DFA at DOLE na sila ay pauwiin sa bansa at harapin ang mga akusasyon laban sa kanila.
- Latest