Pinoy peacekeepers mananatili sa Golan Heights
MANILA, Philippines - Mananatili pa rin ang 342 sundalong Pinoy sa kanilang UN base sa delikadong border ng Israel at Syria.
Sinabi Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na sa kabila ng pag-pullout ng mahigit 300 Austrian troops na kasapi rin sa UN Disengagement Observation Force (UNDOF) ay mananatili ang may mahigit 300 Pinoy-UN observers sa Golan heights.
Sinabi ni del Rosario na nagpadala na ng assessment team ang Pilipinas sa Golan Heights na siyang magtataya ng sitwasyon doon at magbibigay ng rekomendasyon sa pamahalaan kung kinakailangan nang i-pull out ang Phl-UN troops sa Golan Heights.
Nauna namang nag-withdraw ang tropa ng Croatia sa takot na maging target din ng mga rebelde.
Ayon kay del Rosario, nakipag-usap na rin siya kina UN Secretary General Ban Ki-moon at US Secretary of State John Kerry at tinalakay ang seguridad at kaligtasan ng Pinoy peacekeepers.
Isa sa mga kondisyon ng Pilipinas na hinihingi sa UN ay tiyakin ang “safety and security†ng mga Pinoy peacekeepers, mabibigyan sila ng mas maayos na kagamitan at maipatupad ang “rules of engagementâ€.
- Latest
- Trending