‘Emong’ mamamayagpag sa Batanes
MANILA, Philippines - Patuloy na mamamaÂyagpag sa lalawigan ng BaÂtanes ang bagyong Emong.
Alas-10:00 ng umaga kahapon, si Emong ay namataan sa layong 460 kilometro silangan ng Isabela, Cagayan taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 80 kilometro bawat oras.
Si Emong ay kumikilos pahilagang direksiyon sa bilis na 19 kilometro bawat oras.
Ngayong Miyerkoles, si Emong ay inaasahang nasa layong 470 kilometro silangan ng Basco, Batanes at sa Huwebes ay nasa layong 830 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Huwebes ng hapon, inaasahan naman na lalabas na ng Philippine area of responsibility si Emong.
Dulot ng pananalasa ni Emong sa bansa, pinaiigting nito ang habagat na siyang nagpapaulan sa Luzon, Visayas at Northern Mindanao.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga mangiÂngisda na gamit ay maliliit na bangka na huwag munang maglalayag habang malalaki ang alon sa karagatan.
- Latest