Rules sa automatic suspension ng klase, nananatili - DepEd
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na nananatili pa rin ang mga panuntunan hinggil sa automatic suspension ng klase sa mga paaralan sa panahong may bagyo.
Ito’y kasabay nang paalala ng DepEd na ang desisyon sa pagsuspinde ng klase ay nasa kamay na ng mga local government units (LGUs).
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, alinsunod sa rules, awtomatikong suspendido ang klase sa kindergarten kapag mayroong Storm Signal No. 1.
Suspendido naman ang klase sa elementarya at high school kapag itinaas na ang Storm Signal No. 2 at kung may Storm Signal No. 3 naman ay kasama na rin sa walang pasok ang mga nasa kolehiyo, kabilang na ang graduate school at government offices.
Ipinaalala rin naman ni Luistro na sakaling walang storm signal at malakas ang buhos ng ulan ay ang mga LGUs na ang dapat magdesisyon kung sususpindihin ba o hindi ang klase dahil ang mga taong aniya’y ‘on the ground’ ang higit na nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang nasasakupan.
Alinsunod sa Executive Order No. 66 s.2012 na nilagdaan ni Pangulong Aquino, kung walang typhoon signal na ipinapalabas ang PAGASA, dapat na magkaroon ng localized cancellation o suspension ng klase at trabaho sa mga government offices na ipapatupad ng mga local chief executives, bilang chairmen ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), sa pakikipag-ugnayan nito sa PAGASA at sa NDRRMC, partikular na sa mga flood-prone o high risk areas.â€
- Latest