^

Bansa

2nd warship ng Phl nag-test fire Handa sa laban!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nagsagawa ng test fire sa Atlantic Ocean ang isa sa armas pandigma ng Pilipinas na BRP Ramon Alcaraz, ang pinakabagong warship na na­dagdag sa asset ng Philippine Navy,ayon sa ulat kahapon .

“We have successfully test-fired our Oto Melara gun with a high degree of accuracy,” pahayag ni Philip­pine Navy Capt. Ernesto Baldovino, Commanding Officer ng BRP Alcaraz sa pagsasabing maayos ang weapon system ng naturang warship.

 Sa kanyang report kay  Captain Elson Aguilar, Defense and Naval Attache ng Philippine Embassy, sinabi ni Baldovino na ang BRP Alcaraz, Italian-made Oto Melara ay nakapagpaputok ng 15 rounds ng kanyon na kayang tumarget ng 8076 MM rounds kada minuto at karagdagan pang 12 rounds sa floating targets na nasa layong dalawa hanggang tatlong milya .

“Captain Baldovino was more than satisfied with how the Oto Melara performed,” ani Aguilar na ipinoste sa website ng Philippine Embassy sa Estados Unidos  kung saan walang pumalpak sa mga pinaputok na kanyon sa isinagawang test fire sa Pacific Ocean mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.

Nabatid na ang test fire sa Oto Melara ay isinagawa sa Atlantic Ocean, tatlo at kalahating oras matapos na umalis ang barko sa Mayport, Florida matapos itong magkarga ng bala doon.

Inihayag pa ni Aguilar na ang Alcaraz ay patungo na sa Panama Canal na siyang ikalawang stop over nito sa halos dalawang buwang paglalayag patungo sa Pilipinas upang madagdag sa barkong pandigma ang hukbong dagat ng bansa.

AGUILAR

ALCARAZ

ATLANTIC OCEAN

CAPTAIN BALDOVINO

CAPTAIN ELSON AGUILAR

COMMANDING OFFICER

DEFENSE AND NAVAL ATTACHE

OTO MELARA

PHILIPPINE EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with