Drilon, Independence Day Message... Magtiwala sa Diyos at sa sarili
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 taong aniÂbersaryo ng Independence Day, hinikayat kahapon ni Senator Franklin M. Drilon ang mga Pilipino na pataÂtagin ang kanilang pananalig sa Diyos, sa pamahalaan, at sa sarili.
Naging guest speaker si Drilon sa ginawang pagdiriwang sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
Ayon kay Drilon na napapaulat na susunod na SeÂnate President, dapat magkaisa ang lahat para makamit ang inaasam na pag-unlad ng bansa.
“Mga kababayan, kailangang ipagpatuloy natin ang pananampalataya sa Diyos, pagtitiwala sa ating pamahalaan at sa ating mga sarili. Kailangang magkaisa tayo upang makamit natin ang ating pangarap na isang maunlad at payapang bansa,†ani Drilon.
Naniniwala rin si Drilon na ang resulta ng nakaraang halalan ay pagpapakita ng pagnanais ng taumbayan na patuloy na tahakin ang “daang matuwidâ€.
“Nagsalita na ang ating mga mamamayan. Pagod na sila sa uri ng pamamahalang itinutulak lamang ang pansariling interes at ambisyon. Nais nila ng makatotohanan at makabuluhang pagbabago,†sabi ni Drilon.
Binigyang diin pa niya na ang mga repormang ipinatupad ni Pangulong Aquino ay unti-unti nang nararamdaman ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap.
- Latest