^

Bansa

Bayolenteng palabas sa TV, alisin!-Solons

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ng ilang mambabatas na tanggalin at ipagbawal ng Movie Television Review and Classification Board ( MTRCB)  ang pagpapalabas ng mga bayolen­ting panoorin sa telebisyon at cable networks.

Ayon kay  Reps. Diosdado Macapagal Arroyo (Camarines Sur) at dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga) sa pagpasok ng 16th Congress maghahain sila ng  panukalang batas na mag-aatas sa MTRCB  na ipagbawal sa lahat ng television at cable stations ng pagpapalabas nang bayolenteng programa, pelikula o footages mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Ayon sa mag-inang Arroyo, isang makapangyarihang guro ang telebisyon sa mga bata na nagpapalabas ng mga makabagong bayani na gumagamit ng bayolenteng aksyon para manalo ang nagpapagulo sa isipan ng mga bata na maganda ang pananakit o make-believe violence at isang magandang modelo ang mga criminal.

Sa ilalim ng panukala, ang MTRCB at National Telecommunications Commission ay magsasagawa ng konsultasyon sa mga television broadcasters, cable operators, kaukulang non-government organizations for children, at indibidwal mula sa pribadong sektor, para sa susunding batas sa ibibigay na rating level ng mga bayolenteng palabas o programa kabilang na ang transmission ng television broadcast systems a cable systems of signals para hadlangan ang mga bayolenteng programa.

Base umano sa Journal of the American Medical Association, ilan beses na nagbigay ng alerto simula 1975 ang medical community sa masamang epekto ng bayolenteng palabas sa mga bata.

 

AYON

CAMARINES SUR

DIOSDADO MACAPAGAL ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOURNAL OF THE AMERICAN MEDICAL ASSOCIATION

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with