^

Bansa

Pangulo dumating na mula Myanmar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating na kahapon sa bansa si Pangulong Benigno Aquino III sakay ng isang charter flight mula sa dinaluhang ika-22nd World Economic Forum on East Asia sa Myanmar.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na makipag-usap kay President Thein Sein ng  Myanmar na naglalayong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at ng nasabing bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nakabiyahe ang Pangulo sa Myanmar kung saan nakipag-usap din siya kay WEF founder at executive chairman Klaus Schwab.

Dumalo rin ang Pangulo sa isang pagtitipon na pinangunahan ng Ayala Corp kung saan inimbitahan niya ang mga banyagang mamumuhunan na magtungo sa Pilipinas.

Personal ding ipinahatid ng Pangulo sa mga de­legado ng WEF  na magtungo sa Pilipinas na magiging host ng forum sa susunod na taon.

 

AYALA CORP

EAST ASIA

KLAUS SCHWAB

MYANMAR

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

PRESIDENT THEIN SEIN

WORLD ECONOMIC FORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with