^

Bansa

15th Congress pormal na nagtapos

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal na nagtapos ang 15th Congress matapos na ideklara ni House Speaker Feliciano Belmonte­ ang sine die adjournment kagabi.

Eksaktong alas-7:28 ng gabi ng i-adopt ng lide­rato ng Kamara ang House Resolution 24 na nagde­deklara na tapos na ang sesyon sa Mababang Kapu­lungan ng Kongreso.

Bago ang adjournment ilang mahahalagang panukalang batas ang niratipikahan kabilang na dito ang re-organization ng Philippine Statistical System at pagpapalawak sa science and technology scholarship.

Nagbigay naman ng kanilang farewell sina House Minority leader Danilo Suarez na nasa ikatlo at huling termino na ipinagmalaki din ang kanyang maging accomplishment sa Kongreso sa loob ng siyam na taon.

Sa pamamagitan naman ng House resolution 3043 binigyan ng parangal si Speaker Belmonte dahil sa naging magandang pamumuno nito sa Kamara.

Muli namang magbabalik ang sesyon sa Kamara sa Hulyo 22 kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

 

DANILO SUAREZ

HOUSE MINORITY

HOUSE RESOLUTION

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

KONGRESO

MABABANG KAPU

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE STATISTICAL SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with