^

Bansa

Atimonan incident tinapos na ng DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos na kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa kasong pagpatay kaugnay sa Atimonan incident noong Enero 6, at inaasahang isasampa na sa korte.

Ito’y nabatid matapos ideklarang submitted for resolution ng DOJ panel of prosecutors ang multiple murder complaint na isinampa laban sa mga myembro ng militar at pulisya na isinasangkot sa madugong checkpoint  sa Atimonan Quezon.

Ayon kay Senior State Prosecutor Theodore Villanueva, tinapos na nila ang pagdinig sa kaso at maglalabas sila ng desisyon hinggil rito sa lalong madaling panahon.

Kahapon ay hindi na itinuloy ang itinakdang clarificatory hearing  na kahilingan na rin ng kampo ng militar na sangkot rin sa kaso dahil hindi sumipot si P/ Supt. Hansel Marantan.

Nais sana umano ng militar na malinawan ang ilang isyu, gaya ng kung sino ang tumayong ‘in command’ noong maganap ang insidente.

Matatandaan na 13 katao ang namatay sa nasabing insidente.

ATIMONAN

ATIMONAN QUEZON

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

HANSEL MARANTAN

KAHAPON

MATATANDAAN

SENIOR STATE PROSECUTOR THEODORE VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with