SSS magbubukas sa lahat ng Sabado ng Hunyo dahil sa Kasambahay Law
MANILA, Philippines - Bunga ng pagkakasabatas ng Kasambahay Law o RA 10361, bubuksan ng Social Security System (SSS) ang lahat ng kanilang sangay nationwide sa apat na magkakasunod na araw ng Sabado ng buwan ng Hunyo.
Ayon kay SSS President at CEO Emilio de Quiros Jr, lahat ng araw ng Sabado sa buong Hunyo ay bubuksan ang lahat ng branches nationwide para serbisyuhan lamang ang mga kasambahay, nursemaid o yaya, hardinero at lahat ng saklaw ng naturang batas.
Sinabi ni de Quiros na mandatory ang pagpaparehistro ng mga domestic workers at maging ng kanilang mga amo o employer upang makakuha sila ng SSS ID numbers.
Batay sa SSS charter, kailangang punan ng isang indibidwal ang personal record form o SSS Form E-1 na isuÂmite sa alinmang branch ng SSS kalakip ng ilang dokumentong hinihingi gaya ng baptismal, birth certificate at iba pa.
Bukod sa registration, tatanggap din ng bayad ang mga SSS branches ng kontribusyon ng mga registered na kasambahay. Matatapos ang proyektong ito sa June 29 ng taong ito.
- Latest