^

Bansa

2 bata lasog sa grenade launcher

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang paslit ang nagutay ang katawan habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na masabugan ng eskplosibo na pinaglaruan ng mga ito sa Brgy. Magcawa, Al Barkha, Basilan nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza ang mga biktima na sina Saidi Kitabin, 9 at Sarhana Kitabin, 5 anyos.

Ang dalawa ay dead-on-the spot habang pa­tuloy na ginagamot sa hospital ang 15-anyos na si Mangelin Baddiri. 

Ayon kay Dapilloza ang sumabog na bala ng M203 grenade launcher ay napulot ng mga bata sa madamong bahagi ng Sitio Pagtawanan, Brgy. Magcawa at sa pag-aakalang laruan ay ginawa itong mistulang bola na pinagpasa-pasahan.

Gayunman biglang sumabog ang grenade launcher na sumapul sa murang katawan ng dalawang paslit na kap­wa nalasog.

Pinaniniwalaan namang pag-aari ng mga bandidong Abu Sayyaf ang napulot na bala ng M203 grenade launcher.

ABU SAYYAF

AL BARKHA

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRGY

DIRECTOR P

MAGCAWA

MANGELIN BADDIRI

MARIO DAPILLOZA

SAIDI KITABIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with