Ekonomiya lumago ng 7.8%
MANILA, Philippines - Lumago ng 7.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa unang bahagi o first quarter ng 2013, ayon sa National Statistics Coordination Board (NSCB) report.
Ito na ang pinakamataas na highest quarterly growth rate na naitala sa Aquino administration at pinakamataas sa non-presidential election year mula noong 1988.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patunay ito sa nananatiling kumpiyansa ang mga consumers at investors sa bansa.
Sa kabila nito, naniniwala ang Malacañang na marami pang dapat gawin para tuluyang mapakinabangan ng lahat ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Valte, hindi pa ito sapat hangga’t hindi nakakamit ang inclusive growth target ng admiÂnistrasyon.
Aniya, puspusan umano ang administrasyon sa pagpapatupad ng mga polisiyang ikauunlad ng lahat at walang maiwanan.
“More than economic growth, however, the Aquino administration is focused on fostering inclusive growth. Since our administration took office, we have worked to drastically expand social safety nets to help the most vulnerable in our country. Most noteworthy is the four-fold increase in the budget of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, which to date has helped more than 3.9 million Filipino households. The recent election results show that the public has confidence in the President, and agrees with the direction the country is going. Therefore, our administration will continue to promote and expand policies that lead to a Philippines where no one is left behind,†giit pa ng Malacanang.
- Latest