Pinas blacklisted sa foreign aid ng France
MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y pagiging isa sa mga “non cooperative stateâ€, inilagay ng France ang Pilipinas sa may 17 bansa na blacklisted sa French foreign aid.
Binanggit ng France Aides to Development Ministry na ang basehan sa paglalagay sa kanilang blacklist sa 17 bansa kabilang ang Pilipinas ay dahil sa “lack of transparency†at hindi umano pakikipagtulungan sa imbestigasyon sa mga foreign aid fraud kung saan ang mga developing countries umano kabilang na ang Pilipinas ay ang karaniwang nagiging biktima ng fraud.
Bukod sa Pilipinas, tinagurian din ng France na “non cooperative states and territories†ang Botswana, Brunei, Nauru at Guatemala.
Naidagdag pa sa blacklists ang Switzerland, Lebanon, Panama, Costa Rica, United Arab Emirates, Dominica, Liberia, Trinidad and Tobago at Vanuatu.
Bunsod nito, ban na ang paggamit ng bangko ng mga nabanggit na bansa kung saan dito ipinadadala ang mga foreign aids mula France.
Ikinagulat naman ng Malacañang ang nasabing report.
- Latest