15 anyos pwede nang kasuhan sa krimen
MANILA, Philippines - Mananatili sa 15 taong gulang ang minimum age para sa criminal liability ng mga kabataang masasangkot sa krimen matapos na magkasundo ang Kongreso at Senado sa ginanap na bicameral conference committee.
Sa ilalim ng inadopt na bersyon ng Senado sa Juvenile Justice and Welfare Act, mananatili sa 15 taong gulang ang minimum age para sa criminal liability ng mga kabataang nagkasala na may discernment o alam na mali ang kanilang ginagawa.
Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, miyembro ng bicameral conference committee, isinuko na ng mababang kapulungan ang kanilang panukala na ibaba sa 12 ang minimum age para maisabatas na ito.
Subalit sakaling ang nakagawa ng krimen tulad ng parricide, murder, infanticide, kidnapping with homicide o rape, arson, rape, carnapping at pinatay ang may ari ng sasakyan, may kinalaman sa illegal na droga na may katapat na parusang 12 taong pagkakabilanggo ay mandatoryo itong ilalagay sa pangangalaga ng Bahay Pag Asa Intensive Juvenile Intervention Center.
Raratipikahan naman ang nasabing panukalang batas sa susunod na linggo kapag muling nagbukas ang session ng Kamara para sa sine die adjournment ng 15th Congress.
- Latest