Brgy. chairman inireklamo nang pananapak
MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na binatilyo ang namaga ang mata matapos na umbagin ng isang punong barangay sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Kasama ang kanyang mga magulang at kaÂpatid, isinuplong sa Manila Police District Children’s and Women’s Division ng menor de edad na si Ernesto Nacion, grade 6 pupil, ng Sampaloc, Maynila si Brgy. Chairman Jinggo Severino, ng Brgy. 565 Zone 55 ng ika-4 na Distrito sa lungsod.
Idinawit din ng biktima sa kasong paglabag sa anti-child abuse law at physical injury ang tatlo pang opisyal sa nasabing barangay na kinabibilaÂngan ng kagawad, isang barangay executive officer kasama ang isa pa.
Sa salaysay ng biktima sa Women’s desk, alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang pananakit sa kanya ni Severino sa Norma St., malapit sa kanto ng Visayan St. sa Sampaloc.
Kasalukuyan umaÂnong nakikipagsayawan ang biktima nang magkaroon ng rambol at naÂging dahilan ng kanyang pag-iwas upang hindi madamay.
Nagulat na lamang umano siya nang damputin ng tatlong opisyal ng barangay at dinala sa bahay ni SeÂverino kung saan agad siyang tinadyakan sa dibdib.
Sa loob aniya ng baÂhay ni Severino ay pinagtulungan siyang saktan ng mga nasaÂbing suspect, inumbag umano siya sa mukha kaya nawalan din siya ng malay at nang maÂgising na ay agad siyang pinauwi ng mga opisyal ng barangay.
Kasama ang kanyang mga magulang ay nagÂtungo aniya sila sa MPD Station 4 upang magÂÂreklamo ngunit imbes naman na umaksiyon ang naturang himpilan ay ipinasa sila sa MPD WoÂÂmen’s and Children’s Desk.
- Latest